LEGAZPI CITY- Maagang naihatid ng Legazpi City Police ang mga guro na magsisilbi sa halalan patungo sa mga voting centers na nasa upland barangays ng lungsod.
Ayon kay Legazpi City Police Station spokesperson Police Executive Master Sergeant Carlos Paña sa intrevista kan Bombo Radyo Legazpi na layunin nito na masiguro na ligtas ring maihahatid ang mga ballot boxes na gagamitin sa nagpapatuloy na halalan.
Sinabi ng opisyal na nais nila na masiguro ang kaligtasan ng mga electoral board upang maging matiwasay ang halalan.
Matatandaan na alas-5 pa lamang ng umaga ay nagsimula na ang early voting hours para sa mga senior citizens, persons with disabilities at pregnant women.
Nabatid rin na nasa 150 na mga personnel ang naka deploy sa buong lungsod ng Legazpi at inaasahan na magkakaroon pa ng augmentation mula sa Police Regional Office 5.
Maliban dito, sinabi ni Paña na katuwang rin nila ang Armed Forces of the Philippines at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan para sa pagsiguro ng kapayapaan at katahimikan.