LEGAZPI CITY – Unti-unti ng dumarating sa lalawigan ng Albay ang mga atletang kalahok sa Private Schools Athletic Association National Games 2024.

Ang lungsod ng Legazpi kasi ang magiging host ng aktibidad na dadaluhan ng nasa 10,000 na mga atleta mula sa iba’t ibang mga rehiyon sa bansa.

Kabilang sa mga unang dumating sa lalawigan ang mga delegado ng Cebu na itinalaga ang billeting center sa bayan ng Daraga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Crystal Villanueva, isa sa mga manlalaro mula sa Cebu, pinuri nito ang pagiging mabait ng mga Darageños gayundin ang malinis na pasilidad.

Masaya naman si Villanueva sa napiling venue ng aktibidad ngayong taon.

Kumpiyansa naman ito na makakapag-uwi ng karangalan para sa kanilang lugar.