Bicolans working in Israel continue to work despite Iran's ballistic missile attack. According to Bombo International Correspondent Dave Bataller in an interview with Bombo Radyo Legazpi, Iran did this in retaliation after Israel also bombed them because it accused them of building an Atomic Bomb.

LEGAZPI CITY – Patuloy ang trabaho ng mga bicolanong nagtatrabaho sa Israel sa kabila ng pagpapaulan ng Iran ng ballistic missiles.


Ayon kay Bombo International Correspondent Dave Bataller sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ginawa ito ng Iran bilang pagganti matapos silang paulanan rin ng pagsabog ng Israel dahil inakusahan sila na gumagawa ng Atomic Bomb.


Pabor sila sa ginawa ng Israel dahil sa posibleng malagay sa alanganin ang buong mundo kung sakaling maisakatuparan ng Iran ang binabalak nitong atomic bomb.


Noong ibandera umano ang extreme alert ay agad silang lumipat sa underground bunker ng kanilang amo ngunit nahihirapan sila sa paglipat ng kanilang mga inaalagaan na mga bed-ridden kaya’t sa kabila ng paalala ng kanilang amo na tumago na ay hindi nila pinapabayaan ang kanilang mga alaga.


Inilarawan pa nito na kahit hindi sila direktang tinatamaan ng missile sa Israel, pakiramdam nila ay halos tumatama na ito sa kanilang katawan dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.


Sa kagandahan umano ay na-intercept ng Israel ang halos 150 na balistic missiles sa mga naunang wave na pinadala ng Iran sa pamamagitan ng iron dome at dahil na rin sa pagtulong ng ibang bansa gaya ng Jordan, United Kingdom at US.


Aniya, halos hindi na sila makatulog dahil sa inaasahan na next wave ng pagpapaulan ng missile sa Israel kaya’t nagtipon-tipon na sila ng mga kapwa overseas filipino workers sa isang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng isa’t-isa.


Sa kasalukuyan ay nag-abiso na sakanila ang Philippine Embassy in Israel na maging alerto dahil sa inaasahan na next wave ng ballistic missiles at handa umano silang makipagsapalaran sa kabila ng kaguluhan sa Israel dahil hindi naman daw sila pinapabayaan ng kanilang amo.