LEGAZPI CITY- Nagpatupad na ng suspensyon ng pasok sa mga paaralan sa lalawigan ng Catanduanes ngayong araw, Setyembre 2, 2024.
Kabilang sa mga nagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang mga bayan ng Baras, Bagamanoc, Gigmoto, gayundin ang bayan ng Virac.
Suspendido na rin ang pasok sa bayan ng Pandan, Viga, Bato, Panganiban, San Miguel at San Andres.
Ito ay dahil sa walang patid na mga pag-ulan na naranasan sa naturang lalawigan na dulot pa rin ng Bagyong Enteng.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na mag-ingat lalo na ang mga nasa landslide at flood prone areas.