LEGAZPI CITY – Ipinapanukala ng isang public health expert ang pagdaragdag ng mga bagong mukha sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases upang makatulong sa pag-formulate ng mga epektibong hakbang laban sa coronavirus disease.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay dating National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Tony Leachon, inihayag nito na kinakailangan ang mga “new talents” sa IATF na may pang-“All Star” na mga hakbang.

Partikular na binanggit nito si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagpatupad ng “best practices” sa COVID-19 bago pa man maging “epidemic” ang sitwasyon sa lugar.

Maaari rin umanong kunin ang mga namumuno sa mga national councils ng liga ng mga gobernador, city at municipal mayors hanggang sa mga konsehal.

Aniya mas magiging madali na ang execution ng mga hakbang dahil batid na ng mga ito ang gagawin.

Dr. Tony Leachon