LEGAZPI CITY – Inamin ng Philippine Fiber Industry Development Authority Bicol na patuloy ang pagbaba ng demand ng produktong abaca sa lalawigan ng Catanduanes na Abaca Capital of the Philippines.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Fiber Industry Development Authority Bicol Regional Director Mary Anne Molina, nagbago na ang prefence ang market kung saan hindi na kayang ibigay ng mga abaca producers sa lalawigan matapos ang pagtama ng pandemya ng coronavirus disease.
Aniya hindi gaya noong kasagsagan ng pandemya na sunod-sunod ang pag-angkat ng mga bansa tulad ng United Kingdom, Japan, Spain, China at Indonesia na ginagamit sa paggawa ng mga personal protective equipment at face mask.
Ayon kay Molina sa panahong ito ay mga fair to good grades na fiber pa lang ang demand ng market na kaya pang i-produce.
Subalit ngayon ay halos excellent fiber grade o mataas na kalidad na ang hinahanap ng mga importing countries na hindi nama kayang i-produce ng mga abaca farmers at strippers sa provincia dahil sa kawalan ng gamit.
Dulot nito ay marami na ang nawalang interes na mga abacaleros dahilan upang maghanap na lang ng ibang trabaho.
Sinabi ni Molina na mayroon ng ginagawang intervention ang tanggapan upang matulungan ang mga abaca farmers sa lalawigan na makapag-produce ng abaca fiber na kailangan ng market.
Nakatalaang mamahagi ang tanggapan ng three and one modified stripping knife na kayang i-produce ang lahat na fiber grades.
Umaasa si Molina na oras na maipamahagi na ang naturang mga bagong kagamitan ay bumalik pa rin sa pagproduce ng abaca fiber ang mga abacaleros na nawalan ng interes.