The Daraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) is preparing for the possibility of evacuating their residents in the 7KM to 8KM extended permanent danger zone in case the situation of Volcano Mayon worsens which is currently at alert level 3 status.

LEGAZPI CITY-Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posibleng magkaroon ng “hot lahar flow” ang Bulkang Mayon.


Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maaring ma-remobilize ang loose materials sa dalisdis ng Bulkan kasama ang panibagong deposits nito at posibleng magkaroon ng ‘hot lahar’.


Paliwanag ng opisyal na ang ‘hot lahar’ ay ang lahar na may kasamang bagong deposit na maaaring mainit at magresulta sa scalding o pagkapaso.


Aniya, ang temperatura nito ay mula sa normal hanggang 70 degree celsius na posibleng maging dahilan ng serious burns.


Sa ngayon, umaabot sa 1.33 million cubic meters ang lava flow ng Bulkang Mayon kasama ang mga rockfall at Pyroclastic Density Currents (PDZ).


Binigyan linaw rin ni Bacolcol na maaring mabuo ang phreatic eruption o phreatomagmatic eruption kung magkaroon ng matinding paguulan dahil ang main ingredient nito ay ang tubig at hot voclanic materials.


Maaari aniya itong mangyari kapag lumubog sa water cable at nagkaroon ng contact sa mainit na volcanic materials.


Pinagiingat sa ngayon ang mga kababayan malapit sa river banks kahit malayo sa 6km permanent danger zone dahil posibleng daanan rin ito ng lahar.

Inaabisuhan rin ang local government unit na maghanda sa pagsasagwa ng evacuation kung umapaw ang lahar sa mga river channels.