LEGAZPI CITY—Hindi pa rin makapaniwala ang first taker na si Engineer Harvey Rosin na alumna ng Bicol University matapos siyang makasama sa Rank 10 sa October 2025 Mining Engineers Computer-Based Licensure Examination.

Sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Rosin na Rank 2 sa nasabing eksaminasyon na nakatulong sa kanyang tagumpay ang matibay na support system ng kanyang mga magulang, kaibigan, at maging ng kanyang mga guro.

Mensahe nito sa mga kapwa kumukuha ng mining engineering na kilalanin ang kanilang mga sarili dahil maraming bagay o hakbang ang maaaring gawin upang maging isang topnotcher, katulad umano ng pagtatanong sa sarili kung ano ang mga epektibong paraan ng pag-aaral o kung ang paligid ba ay sumusuporta sa kanyang mga hangarin.

Dagdag pa niya na malaking tulong sa pagdating sa pinansyal na aspeto ang pagiging isang DOST scholar at sa tulong ng kanyang mga magulang.

Dagdag ni Rosin na pinili niya ang naturang degree program dahil naaayon ito sa kanyang mga interes.

Aniya, nagsimula siyang magseryoso sa pagre-review noong 4th year sa kolehiyo kung saan may asignatura silang pawang lahat ay mga pagsusulit.

Sa kaniyang pagre-review, binigyang prayoridad niya ang mga asignaturang kinakabahan umano siya o kung ano pa ang mga dapat niyang pag-aralan.

Lubos naman an pasasalamat ni Rosin sa mga taong sumuporta sa kaniya sa pagkamit ng nasabing tagumpay.