LEGAZPI CITY – Matapos ang nasa 50 taon na pagtatrabaho, nabuksan na ang College of Law sa Catanduanes State University.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Patrick Alain Azanza, ang presidente ng Catanduanes State University, labis ang pasasalamat nito na nagbunga na ang kanilang mga pagpapagod upang makapagpatayo ng kolehiyo na para sa mga nais na maging abogado.
Ayon kay Azanza, sa mga nakalipas na dekada, marami ang nais na kumuha ng kursong abogasya na lumabalabas na lamang ng probinsya dahil wala namang kolehiyo ang nagbibigay nito sa lalawigan.
Ito ang naging insperasyon ng unibersidad upang isulong at pagtrabahohan ang pagpapatayo ng College of Law sa Catanduanes.
Aminado si Azanza na hindi naging madali ang pinagdaanang proseso lalo na sa paggastos ng milyun-milyon para sa pagpapatayo ng pasilidad, paghahanap ng mga proposesor at pagbili ng mga gamit.
Subalit mayroon naman umanong mga abogang alumni ng Catanduanes State University na tumulong at nagdonate ng mga lumang libro.
Umaasa ang opisyal na sa tulong ng binuksang kolehiyo ay mapupunan na ang kakulangan ng mga abogado sa lalawigan at hindi na kailangan pa na maghanap ng mga residente sa ibang lugar.