Nakunan ng thermal camera ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang nangyaring minor phreatic eruption sa Main Crater ng Bulkang Taal kaninang alas-7:21 ng umaga, Oktubre 10, 2024.
Nagdulot ito ng 2800-meter-high eruption plume na napadpad sa timog-kanluran.
Ang naturang thermal camera ay nasa Daang Kastila Observation Station (VTDK) sa Taal Volcano Observatory (TVO) sa Barangay Buco, Talisay, Batangas.
Maliban dito ay nakapagtala pa ng dalawang volcanic tremors sa naturang bulkan.
Matatandaan na nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal Volcano.