LEGAZPI CITY – Nanawagan ang Makabayan bloc ng Kamara na tanggalin na ang Kto12 program sa mga paaralan sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, hindi naman nakatulong ang Kto12 program upang mapalakas ang sistema ng edukasyon sa bansa, sa halip ay nagdagdag lang ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estudyante.
Hanggang sa ngayon, karamihan rin umano sa mga nakapagtapos sa programa ay hindi naman nakakuha ng trabaho dahil sa kulang sa kwalipikasyon at hinahanap pa rin ng diploma mula sa kolehiyo.
Dahil dito, nanawagan si Manuel sa susunod na secretary ng Department od Education na tutokan an mga nakikitang problema sa Kto12 program at tuloyan na lang itong tanggalin.
Imbes na dagdagan ang taon ng pag-aaral ng mga estudyante mas dapat umanong tutokan ang pagpapataas ng kalidad ng sistema ng edukasyon sa bansa.