LEGAZPI CITY- Nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente ng bayan ng Guinobatan na kailangang lumikas kahapon dahil sa banta na dala ni Bagyong Amang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Joy Maravillas, MDRRMO Guinobatan, nakauwi na ang 398 na mga pamilya o 1177 na mga indibidwal matapos na makitang bumaba na ang lebel ng tubig-baha sa ilang mga barangay.

Ngunit bago umano ito pauwiin an sinigurong lahat ay mayroongg maiuuwing mga food packs mula sa rehiyon, Department of Social Welfare and Developmment (DSWD) at sa mula sa supply ng LGU Guinubatan.

Paalala na lamang ng opisyal sa mga motorista na hindi pa rin passable ang daan sa Brgy. Maninila, Brgy Tandarora at sa Brgy Masarawag-Maninila Road, matapos na magkaroon ng mga sira ang kalsada.

Sa ngayon nasa ilalim pa umano ito ng assessment upang masiguradong ligtas na ang nasabing kalsada para sa mga dadaan.

Prepartion of food packs for the residents of Brgy Maninila and and Brgy Tandarora — Noel Samar

Samantala, nagpasalamat din si Maravillas sa lahat nga tumulong upang mapabilis ang pagpapalikas sa mga residente.

Panawagan na rin nito ay ang panalangin para sa kaligtasan ng lahat.