LEGAZPI CITY- Nananatiling apektado ng mga pagbaha ang nasa 792 barangays sa rehiyong Bicol.
Subalit ayon kay Office of the Civil Defense Bicol spokesperson Gremil Naz sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi mayroon lamang na ilang bahagi ng naturang mga barangay ang nananatiling lubog sa baha at hindi ang buong barangay.
Karamihan umano sa mga ito ay mula sa Camarines Sur.
Ang naturang tala ay inaasahan naman na mababawasan dahil sa pagbuti ng panahon kahapon.
Ayon pa sa tala na hawak ng tanggapan ay mayroon pangnasa 47, 473 pamilya o 184, 825 na mga indibidwal ang nasa loob ng evacuation centers habang 28, 479 na pamilya o 104, 153 na indibidwal ang pansalamtalang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak o kakilala.
Inaasahan naman na mababawasan ang naturang bilang dahil may mga nagpatupad na umano ng decampment subalit hindi pa nakakapagsumite ng report.
Nabatid pa na mahigit P28 million na rin ang pinsala na iniwan ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.