Description: EPICENTRAL MAP
Photo courtesy of DOST-PHIVOLCS

LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol ang island province ng Masbate, alas-4:23 kaninang madaling araw.

Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro, Timog-Silangan ng Cataingan.

May lalim itong 16 km at tectonic in origin.

Naramdaman naman ang lindol sa iba pang kalapit na lugar kung saan umabot sa Intensity III sa Masbate City at Intensity II sa Irosin at Magallanes, Sorsogon.

Naitala naman ng mga instrumento ang Intensity III sa Masbate City; Intensity II sa Legaspi City at Intensity I sa Naval, Biliran; Palo, Leyte at Roxas City.

Sinusuri pa kung nagkaroon ng pinsala dulot ng lindol.

Samantala, nasundan ito ng isa pang lindol na Magnitude 2.1 dakong alas-7:29 ngayong umaga.

Sentro pa rin ng lindol ang natukoy sa bayan ng Cataingan na may lalim na isang kilometro.