LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng Magnitude 4.4 na lindol ang Masbate dakong alas-3:56 kaninang madaling-araw.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 15 kilometro sa Hilagang-Silangan ng bayan ng Dimasalang.
Sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim ang lindol na 27 km.
Tectonic naman ang pinagmulan ng pagyanig o pagkilos ng earthquake fault.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang naturang pagyanig.