LEGAZPI CITY – Niyanig ng Magnitude 4.1 na lindol ang Masbate at ilan pang kalapit na lugar dakong ala-1:21 ngayong hapon.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 14 kilometro, Timog-Silangan ng Cataingan, Masbate.

May lalim itong 10 kilometro batay sa inilabas na Earthquake Information Number 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman rin ang pagyanig sa Intensity II sa Irosin at Bulan, Sorsogon at instrumental intensities sa sumusunod na lugar:
Intensity II – City of Masbate; Legazpi City, Albay
Intensity I – Naval, Biliran

Samantala, tectonic in origin ang lindol habang wala ring inaasahang pagkasira ng ari-arian o aftershocks matapos ang pagyanig.