LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang bayan ng Rapu-Rapu, Albay kaninang alas 5:44 ng umaga.

May lalim itong 14km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay hindi naman inaasahan na magdudulot ng pinsala ang naturang lindol.

Samantala, wala ring inaasahan na anumang aftershocks kasunod ng insidente.