LEGAZPI CITY- Naramdaman ang magnitude 2.1 na lindol sa ilang bahagi ng lalawigan ng Albay kaninang alas-9: 22 ng gabi.
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na natukoy ang lokasyon nito bayan ng Manito.
May lalim itong 29 km at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naramdaman naman ang Instrumental Intensity II sa lungsod ng Legazpi.
Wala namang inaasahan na anumang pinsala o aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.