LEGAZPI CITY – Mas hinigpitan ng Land Transportation Office ang pagbabantay sa mga kalsada kasabay ng pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Land Transportation Office Bicol Regional Director Francisco Ranches, ngayong balik na ang pasok sa mga paaralan, inaasahan na balik na rin ang ilang pasaway na drivers at colorum na mga sasakyan.
Dahil dito, naglagay na ng checkpoints ang ahensya upang sawayin at ticketan ang mga pasaway na drivers.
May mga nabigyan ng ticket dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, walang rehistro, lisensya o prangkisa ang sasakayan.
May iba naman na nabigyan muna ng warning subalit mahigpit ng pinaalalahanan na sumunod sa batas.
Panawagan ng opisyal sa mga motorista na sumunod na lamang sa mga batas pangtrapiko na layunin lamang na mapangalagaan ang seguridad ng mga dumadaan sa kalsada.