Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Surigao Del Sur kaninang alas-3: 42 ng umaga.

Sentro ng pagyanig ang bayan ng Lingig.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may lalim itong 10km at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, wala namang inaasahan na anumang pinsala at aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.