LEGAZPI CITY – Naglilibot ngayon ang mga beterinaryo ng Estados Unidos, South Korea at Pilipinas upang magbigay ng libreng veterinary service sa lungsod ng Legazpi.
Bahagi ito ng taunang Pacific Partnership ng magkakalyansang bansa na layuning tulongan ang mga nangangailangan sa mga bansang nasa Indo-Pacific Region kabilang na ang Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Emmanuel Estipona ang veterinary officer ng Legazpi City, libreng kapon at rabies vaccination ang ibinibigay sa mga alagang aso at pusa.
Tinuturoan na rin ang mga fur parent kung papano ang tamang pag-aalaga sa kanilang pets.
Nasa 13 tatlong araw na lilibotin ng mga bansang kalahok sa Pacific Partnership ang mga barangay sa lungsod upang maserbisyohan ang lahat ng mga may alagang hayop.
Maliban sa mga dayuhan ay kasama rin sa aktibidad ang mga mga local veterinarian ng Albay, Veterinary Corp ng Philippine Army, Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines.