LEGAZPI CITY- Nagsagawa na ng serye ng mga meeting ang Legazpi City local government unit sa mga lokal na pamahalaan ng Daraga at Sto. Domingo para sa hosting ng Private Schools Athletic Association 2024.
Ayon kay Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Council head Engineer Miladee Azur sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang bayan ng Daraga ang isa sa magiging playing venue at billeting center habang ang Sto. Domingo naman ang magiging host ng archery.
Sa kasalukuyan ay nasa 75% na umano ang kahandaan ng lungsod at isinasapinal na ang mga plano.
Matatandaan na tinatayang nasa 10,000 na mga atleta at delegado ang lalahok sa Private Schools Athletic Association sa Hulyo 22 hanggang 26.
Kaugnay nito sinabi ni Azur na nakalatag na ang emergency operations center at incident management team upang manguna sa pagresolba sa lahat ng concerns ng mga delegado.
Katulong naman ng mga lokal na pamahalaan ang Legazpi City Police Station, Public Safety Office at mga barangay tanod upang masiguro ang seguridad.