LEGAZPI CITY – Nakatutok na ngayon ang Task Force Kaayusan ng Legazpi sa pagsasagawa ng mga clearing operations sa lungsod.
Bahagi ito ng paghahanda ng lokal na gobyerno para sa papalapit ng 2024 Private Schools Athletic Association National Games kung saan napili na maging host ang lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Andy Marbella ang head ng Task Force Kaayusan Legazpi, libu-libong mga atleta, coaches at opisyal ng mga pribadong paaralan mula sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas ang bibisita sa lungsod kung kaya kailangan na maging malinis at presentable ang lugar.
Dahil dito, araw-araw na naglilibot ang Task Force kasama ang Public Safety Office upang alisin ang mga nakaharang sa tabi ng kalye na posibleng magdulot ng pagbigat ng traffic at mga aksidente.
Panawagan ng opisyal sa publiko na makipagtulongan sa paglilinis ng kapaligiran upang hindi mapahiya ang lungsod sa mga bibisitang kahalok ng PRISAA National Games.