LEGAZPI CITY- Nagbabala si Legazpi City Mayor Alfredo Garbin sa mga patuloy na nagtatapon ng basura sa ilang pampublikong lugar sa lungsod.
Aniya, sasampahan ng kaso ang mga ito kung hindi madidisiplina an kanilang mga sarili.
Ito ay kaugnay ng inirereklamong mga basura sa Camella road, Barangay Puro, at ilan pang mga lugar sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa alkalde, sinabi nitong pinapa surveillance na ang mga motorista na nagtatapon ng basura sa Camella road dahil nakakasira ito sa tanawin.
Matatandaan kasi na karaniwang dinarayo ang naturang lugar dahil sa sariwang hagin at magandang tanawin.
Dagdag pa ng opisyal na ang naturang mga basura ay nagdudulot ng pagbaha sa lungsod kaya panahon na upang mapanagot ang mga iresponsableng nagtatapon nito.
Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na ipagbigay alam sa lokal na pamahalaan kung may impormasyon hinggil sa mga taong nasa likod ng kapabayaan upang mapanagot ang mga ito.