A man died after his brother stabbed him and hit his head against a wall. The crime reportedly occurred at the brothers' house in Barangay Bari, Mangaldan, Pangasinan.

Patay ang isang lalaki matapos saksakin at iuntog ng kanyang kapatid ang ulo sa pader.

Sa ulat, naganap umano ang krimen sa bahay ng magkapatid sa Barangay Bari, Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nagalit ang suspek na si Rafael Caoile matapos ginising ng kanyang kapatid na si Monny Caoile, 44-anyos.

Nabatid na pumunta si Monny sa kwarto ng suspek na si Rafael at ginising ito para ipaalam sa suspek na dinala sa ospital ang kanyang anak dahil nahihirapan itong huminga.

Pagbalik ng biktima sa kanyang silid, sinabi ng ina ng magkapatid na si Flora na pumasok si Rafael sa silid ni Monny at pinagsasaksak ang biktima.

Sa kabila ng mga tama sa katawan, nagawa pang tumakbo ni Monny palabas ng bahay para humingi ng saklolo ngunit sinundan siya ng suspek at saka inuntog ang ulo sa dingding.

Dead on the spot ang biktima.

Nabatid na bago ang krimen, nakainom ang biktima.

Ayon kay Police Captain, Vicente Abrazaldo ng Mangaldan Police Station, sinampahan na ng kasong homicide ang suspek.