LEGAZPI CITY— Arestado ang isang lalaki dahil sa kasong slight physical injuries sa Barangay It-Ba, Manito, Albay.
Ayon kay Manito Municipal Police Station Officer-in-Charge Police Captain Jereck Banaynal, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinilala ang suspek na isang 28-anyos, walang asawa, construction worker at residente ng nasabing barangay.
Naaresto ito dahil sa pambubugbog umano sa isang indibidwal sa kanilang lugar.
Sa kasalukuyan nasa kustodiya ng Manito MPS ang suspek para sa mga kaukuluang legal na proseso.
Samantala, paalala ni Banaynal sa mga mamamayan ng bayan ng Manito na iwasang masangkot sa mga kaguluhan o anumang aktibidad na lumalabag sa batas dahil mauuwi aniya ito sa isang kaparusahan.