LEGAZPI CITY – Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng 9 na taong gulang na batang lalaki matapos na mahulog sa kanal kasama ng kanyang lola at anurin ng baha sa Barangay Bonga, Bacacay, Albay.


Ayon kay Kapitan Teody Bigol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinilala ang bata na si Mark Queyan at narecover ng pinagsamang pwersa ng Bureau of Fire Protection Bacacay, Philippine National Police Bacacay, Philippine Coastguard, at Bacacay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.


Nakuha an nasabing bangkay sa katabi nilang barangay na palutang-palutang sa ilog at nakitaan ng mga sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan nito.


Base sa kanilang imbestigasyon na galing sa simbahan ang mag-lola dahil nagbayad umano ito para makuha ang death certificate ng pinsan ni queyan na ililibing na sana.


Sinabi pa ng kapitan na noong pauwi na ang mga biktima, hindi umano nila nakita na may kanal pala sa kanilang dinaraanan.


Maaari din na hindi nakita ng mag-lola an nasabing kanal ng dahil sa nararanasang pagbabaha sa nasabing barangay na epekto naman ng shearline.


Nalulungkot ito dahil ito ang unang pagkakataon na may namatay sa kanilang barangay ng dahil sa mga pagbabaha at pag-uulan.


Sa ngayon, panawagan ni Bigol sa publiko ang disiplina ng bawat isa at huwag ng lumabas kung maulan lalo na kun hindi naman importante ang kanilang pupuntahan habang nilinaw naman nito na hindi lahat open canal ang mga daluyan ng tubig sa kanilang bayan taliwas sa naglalabasang mga post sa social media.