LEGAZPI CITY- Binuksan na ng lalawigan ng Masbate ang Palarong Panlalawigan 2025 bilang paghahanda sa Palarong Bicol.

Ayon kay Masbate Schools Division Office Sports Division Officer Rufino Arellano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tinatayang nasa 2, 006 na mga atleta ang magpapatagisan sa iba’t ibang sporting events.

Nasa 430 ang mga kinatawan mula sa cluster deligations.

Nabatid na handa na rin ang mga playing venues subalit malaking pagsubok para sa lalawigan ang kawalan ng standard swimming pool.

Aminado ang opisyal na marami ang magagaling na swimmers ng island province sa dagat subalit nahihirapan ang mga ito na makipagsabayan sa paglangoy sa swimming pool.

Matatandaan na halos 15 taon nang walang swimming events ang lalawigan.

Samantala, kumpiyansa naman si Arellano na mangingibabaw ang kanilang mga atleta pagdating sa football at athletics events.