LEGAZPI CITY- Aminado ang mga magulang ng nalunod na 7-taong gulang na bata sa Brgy. Tabi, Gubat, Sorsogon na hindi nila nabantayan ang kanilang anak habang naglalaro ito malapit sa ilog.
Sa panayam ng Bombo Radypo Legazpi kay Rhalen Endeno, Gubat MDRRMO Head at base na rin sa pakikipag-usap sa ina ng bata, hindi nya umano nasamahan ang anak dahil sa nagluluto ito ng kanilang pagkain.
Hanggang sa makita na lamang na ang laruan at tsinelas na lamang ang natira sa tabi ng nasabing ilog.
Paliwanag ni Endeno, alas-6:08 ng umaga ng makatanggap ng ulat ang kanilang opisina patungkol sa nahulog na bata sa ilog kung kaya agad silang nagsagawa ng search and retrieval operation.
Nakipag-ugnayan na rin ang MDRRMO sa mga karatig na barangay ng Tabi, kun saan matapos ang tatlong oras na paghahanap kun ay nakita na ang naglumulutang at wala ng buhay na katawan ng bata sa Brgy. Ariman g kaparehong bayan na may 2km layo mula sa kung saan huling namataan ang bata.
Paliwanag ng opisyal na ang malabo at makalas na daloy ng tubig dala ng pag-uulan ang naging malaking hamon sa operasyon.
Samantala, nag-abisong muli ang ahensya lalo na sa mga magulang na nakatira malapit sa nasabing ilog na bantayan ang kanilang mga anak lalo pa’t isa ang nasabing ilog sa binabantayan ng MDRRMO Gubat kung nagkakaroon ng masamang panahon.