Pinagdududahan ngayon na isang kaso ng stolen identity ang kinasasangkutan ni suspended Mayor Alice Guo.

Ito matapos lumutang na mayroong isa pang Pilipina na nagngangalang Alice Leal Guo ang nasa databaseng National Bureau of Investigation.

Batay sa dokumento na pareho ang kaarawan ng dalawang Alice Leal Guo na kapwa ipinanganak sa Tarlac subalit magkaiba ang mga larawan.

Kaduda-duda rin umano na ang aplikasyon ng naturang NBI clearance ay ilang araw lamang ang pagitan sa petsa ng late na pagpaparehistro ng alkalde sa kaniyang kapanganakan.

Matatandaan na hanggang sa ngayon ay patuloy na nililinaw ang tunay na pagkatao ni Alice Guo na sinasabing iisa ang pagkatao sa Chinese na si Guo Hua Ping.

Ang suspendidong alkalde kasi ay nauugnay sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator sa bayan ng Bamban, Tarlac.