Inihayag ni Atty. Nicholas Kaufman, lead legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang interes ang kampo ng dating pangulo na kunin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque bilang abogado.
Inilabas ni Kaufman ang pahayag na ito dahil sa pagkakasangkot ni Roque sa kasong crimes against humanity ni Duterte.
Sinabi ng abogado na mula sa unang araw ay walang interes at plano ang Team Duterte na kunin si Roque bilang abogado.
Ipinakikita lamang aniya ni Roque na siya lamang ang may kakayahang ipagtanggol ang dating Pangulo.
Nilinaw ni Kaufman na mismong si Duterte ang nagsabi na pipigilan si Roque sa pakikialam sa kanyang mga kaso sa ICC.
Sinabi rin ng abogado kay Roque na itigil na ang pag-apela sa kaso at bumalik sa Pilipinas para harapin ang sarili niyang mga kaso.