LEGAZPI CITY – Nanawagan ang grupong Bantay Bigas sa gobyerno ng agarang aksyon na matulungan ang mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.
Ito ay matapos na umabot na sa halos P4 billion ang danyos sa sektor ng agrikultura dahil sa matinding init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, kinakailangan na mabigyan ang lahat ng apektadong magsasaka ng ayuda sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation.
Dito kasi aniya nakasalalay ang magigin produskyon ng mga produktong agricultural sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Estavillo, oras na hindi matulungan ang mga magsasaka sa sinapit na danyos ay tiyak na hindi makakapagtanim o makakapagsimula dahil sa pagkalugi.
Dahil dito posibleng walang aanihan na magreresulta sa kakulangan ng suplay ng ilang pangunahing pagkain.
Nararapat sana aniya n a makatanggap ng karampatang kompensasyon ang mga apetkadong magsasaka upang makapagsimula ulit.