LEGAZPI CITY- Kakailanganin ng malaking halaga ng pondo upang muling makapagpatayo ng mga silid-aralan sa mga eskwelahang nasira ng magnitude 6 na lindol sa Masbate noong nakaraang buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mark Anthony Rupa, Chief Education Supervisor ng SDO Masbate, base sa pinal at consolidated data, umabot sa P275 milyon amng halaga ng danyos na dala ng nasabing lindol sa mga eskwelahan.
Ito’y matapos na makapagtala ng 63 totally damaged na mga klasrum, 235 na mga major damaged, at 782 na nagkaroon ng minor damaged.
Hindi na rin pinayagan pa ng lokal na pamahalaan ng Masbate na gamitin pa ng mga estudyante at guro ang mga silid-aralan na nagkaroon ng malalaking bitak o kabilang na sa major damaged.
Sa ngayon ay muli nang naipagpatuloy ang pasok sa nasabing apektadong mga eskwelahan ngunit dahil sa kawalan ng mga room ang nagkakaroon lamang ng shifting at modular learning.