Napili ang BTS member na si Jin na maging torchbearer para sa 2024 Paris Olympics.

Nakatakdang bumiyahe si Kim Seokjin o mas kilala bilang Jin patungo sa France para sa Summer Olympic torch relay na magsisimula sa Hulyo 26.

Ang Paris Olympic flame ay pinailawan sa Greece at dumating sa France noong nakalipas na linggo.

Matatandaan na na-enlist ang BTS member noong December 2022 para sa mandatory military service at noon lamang June 12, ay na-discharge ito matapos makumpleto ang 18 buwang military service.

Kilala ang South Korean K-pop boy band group na BTS sa iba’t ibang panig ng mundo at popular sa pagsusulong ng self love.