Makakapasok na sa Israel ang mga turistang hindi pa bakunado, batay sa anunsyo ni Prime Minister Naftali Bennett.
Mula nang mag-umpisa ang pandemya noong 2020, ito ang pinakaunang pagkakataon na papayagan ang pagpasok ng mga turista anuman ang vaccination status.
Naobserbahan na umano ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Naniniwala si Bennett na panahon na upang paunti-unting buksan ang borders.
Mula Marso 1, ire-reqire na lamang sa pagsailalim sa dalawang PCR test ang mga turista bago sumakay sa flight papuntang Israel at sa mismong landing.
Isa ang Israel sa mga bansang nagsagawa ng national vaccine rollout ar nagpatupad ng protocols sa paghingi ng vaccination certificate o “green pass” sa mga papasok sa bansa.