LEGAZPI CITY-Nananawagan ang Task Force Kalinisan at Kaayusan Legazpi sa tulong ng komunidad sa paglilinis dahil sa posibleng pagdating ng mga bagyo sa ilalim ng direktang tagubilin ni Mayor Hisham Ismail.
Ayon sa Head ng Task Forcer Kalinisan at Kaayusan na si Andy Marbella, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagsasagawa sila ng paglilinis sa mga kanal katuwang ang Public Safety Office sa Legazpi City alinsunod sa Executive Order ng bagong alkalde na “declogging” at “cleun-up drive”.
Dagdag pa ni Marbella, dahil sa madalas na pagbaha sa lungsod, ito ay dahil sa mga plastik na hindi nalulusaw na nagiging sanhi ng mga baradong kanal.
Napansin din nila ang mga manhole na puno ng mga plastik na basura.
Binalaan din ng grupo ang mga residente at mga nagtitinda, lalo na ang mga malapit sa ilog, na i-sanitize ang mga ito at huwag itapon o ikakalat ang kanilang mga plastik o disposable na basura dito.
Sinabi pa ng opisyal na ito ay isang ordinansa at dapat na sundin.
Gayunpaman, kasabay ng ordinansa tumutulong din sa ordinansa ang karamihan sa mga residente, kabilang na ang mga barangay councils.
Nagbabala rin ang opisyal sa publiko na sundin ang ordinansa at makipagtulungan dahil mas madaling malutas at makabangon ang lungsod sa problema.
Samantala, nagsasagawa pa rin ng clearing operation ang grupo hinggil sa mga sagabal sa mga kalsada ng lungsod.