LEGAZPI CITY-Iniulat ng Israel media na patay umano sa isang pag-atake si Iran Security chief Ali Larijani at ang anak na lalaki nito sa kanilang hideout apartment.

Ayon kay Israel Minister of Defence Israel Katz, na na-eliminate si Larijani at ipinag-utos niya at ng punong ministro sa mga militar na magpatuloy sa “hunting down” nglider para Iran.

Ang Iranian security chief, ay nagpakita pa sa publiko noong nakaraang Biyernes na nakilahok sa Quds Day rallies.

Si Ali Larijani ay dating negotiator para sa Iran at isang malapit na kaalyado ng yumaong Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei, na napatay sa unang araw ng digmaan.

Samantala, patuloy naman na kinukumpirma ang pagkamatay ni Larijani galing sa Iran.