Inihayag ng Philippine Statistics Authority na bahagyang humupa ang naitalang inflation sa buwan ng Hunyo na nasa 3.7%.
Mas mabagal ito sa 3.9% na naitala noong Mayo.
Ang inflation ay ang galaw ng presyo sa mga pangunahing produkto at serbisyo.
Ang 3.7% na inflation para sa buwan ng Hunyo ay pasok pa sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 3.4% hanggang 4.2%.