LEGAZPI CITY- Nananatiling suspendido ang pasok sa ilang lokal na pamahalaan sa rehiyong Bicol ngayong araw, Pebrero 21, 2025.

Ito ay kaugnay ng nararanasang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng rehiyon.

Kabilang sa mga nagsuspinde ng pasok sa lalawigan ng Albay ang mga bayan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Bacacay, Rapu-Rapu, Polangui, Jovellar, Pio Duran, Manito, Malinao, Sto. Domingo, at mga lungsod ng Tabaco, Legazpi, at Ligao.

Sa lalawigan naman ng Sorsogon ay suspendido na rin ang pasok mga bayan ng Casiguran, Castilla, at Bulusan.

Samantala, mahigpit naman na nakabantay ang mga kinauukulan sa sitwasyon sa mga critical areas dahil sa banta ng mga pag-ulan.