LEGAZPI CITY – Sugatan ang ilang katao sa nangyaring pagsabog sa isang gusali sa Barangay Pinaric, Legazpi City.

Ayon sa mga residente na malapit sa lugar, bigla na lamang umanong nakarinig ng malakas na pagsabog.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga ambulansya.

Ilang katao ang isinugod sa ospital subalit hindi pa makumpirma ang bilang nito.

Sa ngayon inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng pagsabog.