LEGAZPI CITY- Ikinalungkot ng ilang mga grupo ang umano’y pagtatanggal ng mukha ng mga bayani at lider ng bansa sa Philippine peso kasunod ng pagpapalabas ng Philippine Polymer Banknote Series.
Ayon kay August Twenty One Movement President Volt Bohol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tila kinakalimutan na ang kasaysayan ng bansa.
Partikular na tinukoy nito ang P500 bill kung saan makikita sinda dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno Aquino.
Aniya, hindi nakakabuti ang naging hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas lalo na sa panahon na nakakaranas ng krisis sa katotohanan at maraming mga binabago sa kasaysayan.
Naniniwala naman si Bohol na ginawa ng pamahalaan ang naturang hakbang kasabay ng papalapit na holiday season dahil sa pagiging abala ng mga mamamayan.
Tila may malisya umano ang panahon ng pagsasapubliko ng naturang banknotes.
Dagdag pa nito na hindi na nila alam kung saan patungo an bansa dahil sa walang saysay na pasya ng mga nasa posisyon.