LEGAZPI CITY – Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Office of Civil Defense Bicol sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa rehiyon kaugnay ng nararanasang sama ng panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Office of Civil Defense Bicol spokesperson Gremil Naz, mayroong 58 na pamilya o 209 na indibidwal ang nananatili ngayon sa evacuation center mula sa dalawang barangay ng bayan ng Uson sa Masbate.

Ito ay matapos na malubog sa baha dulot ng walang patid na pag-uulan.

Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management sa bayan ng Mobo para sa kaligtasan ng mga residente lalo pa’t inaasahan na magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan.

Pinasalamatan naman ni Naz ang mabilis na pagresponde ng mga Local Disaster Risk Reduction Management Offices sa mga apektadong residente.

Samantala, namahagi na ang Department of Social Welfare and Development ng 5,000 food packs sa mga mangingisdang ilang araw ng hindi nakapagpalaot mula sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Sorsogon at Masbate.