LEGAZPI CITY – Pumalo na sa kalahating bilyong piso ang halaga ng naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Bicol dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Office of Civil Defense Bicol spokesperson Gremil Naz, umabot na sa P532.8 million ang halaga ng prodoction loss o nalugi sa mga magsasaka.
Kasama sa mga lalawigang naapektuhan ng matinding tagtuyot ay ang Camarine Sur, Albay, Masbate at Sorsogon.
Nasa mahigit 12,900 naman na mga magsasaka ang apektado sa naturang mga lugar.
Nanguna ang lalawigan ng Camarines Sur sa nakapagtala ng matinding danyos.
Samantala, ayon kay Naz umabot na sa P17 million ang halaga ng naipamahaging family food packs ng Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong magsasaka.