LEGAZPI CITY -Nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naitalang insidente ng sunog sa Real Street, Calatagan Tibang, Virac, Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay FO2 Jorge De Leon, Community Relation Chief ng Virac Fire Station, isang residential house ang sangkot sa naturang sunog na pagma-may ari ni Alex Ang Hung.
Base sa imbestigasyon, isa sa mga tinitingnang pinagmulan ng apoy ay ang nakatambak na bote ng paint thinner at pintura dahil nire-renovate ang bahay.
Sa pagresponde ng mga awtoridad ay fire na ng madatnan dahil nagtulong-tulong na ang mga residente sa pag-apula ng apoy.
Nasa P10,000 ang naitalang halaga ng sunog dahil sa labang lang ng bahay ang nasunog.
Ipinagpasalamat naman ng opisyal na walang nasaktan sa naturang insidente o nadamay na ibang bahay.
Nagpaalala rin ito na kahit tag-ulan na ay ugaliing tingnan ang mga pwedeng pagsimulan ng sunog.