LEGAZPI CITY- Nakiisa ang grupo ng mga siklista mula sa lalawigan ng Albay sa pagpapakita ng debosyon kay Our Lady of Peñafrancia sa katatapos pa lamang na Peñafrancia festival.
Ayon kay United Tabaco Cycling Community President Urgel Cargullo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na simula 2016 ay nakasanayan na nila ang pagbibisikleta mula sa Tabaco City patungo sa Naga City upang makiisa sa aktibidad.
Kasama pa umano nila ang iba pang siklista mula sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Albay.
Tinatayang nasa 30 na mga siklista ang nakiisa sa aktibidad dahil ang unang batch umano ay nauuna na noong nakalipas na mga araw habang ang iba ay planong isagawa ang pagbibisikleta mula Albay patunong Naga sa ngayong linggo.
Tumagal umano ng apat hanggang limang oras ang kanilang biyahe.
Dagdag pa ni Cargullo na nais nilang personal na maipanalangin kay Ina kasabay ng kanilang debosyon.
Wala umanong katumbas na pagod ang mga biyaya na kanilang natatanggap sa buong taon.