LEGAZPI CITY- Sinalubong ng malaking sunog sa bayan ng Camalig ang unang araw ng Abril.
Nilamon kasi ng apoy ang gabaldon building ng Camalig North Central School kaninang madaling araw.
Matinding pinsala naman ang iniwan ng naturang insidente sa mga kagamitan ng naturang paaralan.
Sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.
Samantala, maliban sa Camalig Bureau of Fire Station ay agad naman na tumulong sa pagresponde ang mga fire stations sa kalapit na mga bayan.