LEGAZPI CITY – Walang nakikitang problema ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbabalik ng commercial flights sa lungsod ng Legazpi sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Subalit ayon kay Atty. Neilito Lopango, tagapagsalita ng CAAP Legazpi sa panayam ng Bombo Radyo sumulat sa ahensya si City Mayor Noel Rosal upang hingin na kanselahin ang biyahe mula sa Cebu patungo sa lungsod.
Ito ay kasunod ng patuloy na naitatalang mataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu.
Dagdag pa ng opisyal na sa kasalukuyan “below average” pa ang flights palabas ng rehiyon dahil nagtakda rin ng limitasyon ang mga airline companies sa pagtanggap ng mga pasahero.
Napag-alaman na nagsasagawa ng profiling ang CAAP sa mga pasahero sa paliparan upang matiyak na ligtas sa banta ng nasabing virus.