Nagtapos na ang kampanya ni Pinay fencer Samantha Catantan sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.

Ito matapos siyang mabigo sa laban nito kay Arianna Errigo ng Italy sa score na 15-12.

Matatandaan na si Catantan ang pinaka unang Filipina fencing Olympian ng bansa.

Sa kabila ng pagkabigo na makasungkit ng medalya ay proud pa rin ang maraming mga Pilipino sa naging performance nito.

Matatandaan na nagpakitang gilas pa si Catantan sa Olympic debut nito matapos talunin ang pambato ng Brazil na si Mariana Pistoia.