Isinapubliko ng Federal Bureau of Investigation na nakilala na ang suspek sa likod ng tangkang asasinasyon kay dating US president Donald Trump.
Ayon sa tanggapan, ang 20-anyos na si Thomas Matthew Crooks ang sangkot sa pamamaril kay Trump sa gitna ng rally nito sa Pennsylvania.
Si Crooks ay mula sa Bethel Park sa estado ng Pennsylvania.
Sa kasalukuyan ay kinukumpirma rin kung lehitimo ang kumakalat na video ni Crooks sa social media na nagsasabi ng mga katagang ” I hate Republicans, I hate Trump.’
Nabatid kasi mula sa voter records ng estado na nakarehistro si Crooks bilang isang Republican.
© Reuters