LEGAZPI CITY – Makaka apekto ang Easterlies sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa state weather bureau na makakaranas ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.

Dahil dito ay ibinabala ang posibilidad ng flash floods o landslides kung magkakaroon ng severe thunderstorms.

Ang Metro Manila naman at natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng isolated na mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.